ngayon lang ako naasar ng todo sa buong talambuhay ko. ngaun lang ako napahiya, pinag-tawanan at pinagtripan. kahit ano man nangyari, kahit ano man ibato nilang pang-asar sa akin ng mga oras na iyon, ako’y pilit paring ngumingiti.
seryoso. kung ka-level ko lang ang mga taon ninyo, o pag-iisip man lang, kung ituturing ko na kayong mga kaibigan, ipapakita ko sinyo kung gaano ka lupit ang sarkastikong-nilalang na natutulog sa aking kaibuturan.
kung pwede lang humirit ng, “nakakakita na ba kayo ng lumilipad na chart na gawa sa bakal?” ako hindi pa eh. o, “naranasan nyo na bang mahiwa ang inyong tyan ng isang bandage scissor?” wala lang.
“hostile” na kung hostile! ano ba? kung pwede ko lang kayong sigawan, nagawa ko na. pero mahina pang armas yun. kung meron lamang akong kapangyarihan ni Bertong Badtrip, pinakawalan ko na. buti na lang may pumipigil saakin.
magpasalamat na lamang kayo at nakangiti pa ako.
“si maj, nakangiti na naman oh!” tengene..
No comments:
Post a Comment