Hindi ko maintindihn kung bakit tila sa lahat ng tanong na gamit ko, ang ‘bakit’ ang pinakamadalas. Tuwing nasa isang lugar kung saan maraming tao o kahit nagiisa sa aking kwarto, ako’y nagtatanong, bakit ganito? Bakit ganyan?
Ngayon ko lang napagisipan, tila wala naman ito masyadong katuturan. Ano ba ang silbi ng aking pagtatanong kung hindi naman ito lahat masasagot?
Pero minsan naman, kung tatanungin ka ng ‘bakit’ na tanong, may maisasagot ka naman. Ngunit meron kang sobrang daming dahilan na nanaisin mo na lamang na hindi sabihin ang mga ito upang maging simple nalang ang lahat.
Bakit ka malungkot? Wala. Nararamdaman ko lang sya nang walang dahilan.
bakit nga ba?
ReplyDelete