Showing posts with label tagalog. Show all posts
Showing posts with label tagalog. Show all posts

Saturday, March 24, 2012

kwentong ICT

ngayon lang ako naasar ng todo sa buong talambuhay ko. ngaun lang ako napahiya, pinag-tawanan at pinagtripan. kahit ano man nangyari, kahit ano man ibato nilang pang-asar sa akin ng mga oras na iyon, ako’y pilit paring ngumingiti.  
seryoso. kung ka-level ko lang ang mga taon ninyo, o pag-iisip man lang, kung ituturing ko na kayong mga kaibigan, ipapakita ko sinyo kung gaano ka lupit ang sarkastikong-nilalang na natutulog sa aking kaibuturan. 
kung pwede lang humirit ng, “nakakakita na ba kayo ng lumilipad na chart na gawa sa bakal?” ako hindi pa eh. o, “naranasan nyo na bang mahiwa ang inyong tyan ng isang bandage scissor?” wala lang.
“hostile” na kung hostile! ano ba? kung pwede ko lang kayong sigawan, nagawa ko na. pero mahina pang armas yun. kung meron lamang akong kapangyarihan ni Bertong Badtrip, pinakawalan ko na. buti na lang may pumipigil saakin. 
magpasalamat na lamang kayo at nakangiti pa ako. 
“si maj, nakangiti na naman oh!” tengene..

Monday, January 9, 2012

Thursday, January 5, 2012

andami kong reklamo

mali ung title. mali naman.
naisip ko lang bigla, gusto ko lang sana magkaroon ng photographic memory kahit isa o dalawang buwan lang para magkaroon ng katuturan ang paghihirap ko kuno na di ko naman masabi kung paghihirap na ba ang matatawag dun kasi kadalasan naman sariling mental torture ang ginagawa ko.
hai. adik ba lahat ng tao? parang napadpad ako sa isang lugar na puro utak ang gumagana. ung tipong kelangan mo i-memorize lahat ng nakikita. wala nang isip-isip. basta isaksak mo na sa utak mo, okey ka na!
eh, di ko gawain un eh. bumalik nanaman ako sa simula.
ugh, tulungan mo ako. 
>_<

Monday, December 12, 2011

Bakit

Hindi ko maintindihn kung bakit tila sa lahat ng tanong na gamit ko, ang ‘bakit’ ang pinakamadalas. Tuwing nasa isang lugar kung saan maraming tao o kahit nagiisa sa aking kwarto, ako’y nagtatanong, bakit ganito? Bakit ganyan?

Ngayon ko lang napagisipan, tila wala naman ito masyadong katuturan. Ano ba ang silbi ng aking pagtatanong kung hindi naman ito lahat masasagot? 

Pero minsan naman, kung tatanungin ka ng ‘bakit’ na tanong, may maisasagot ka naman. Ngunit meron kang sobrang daming dahilan na nanaisin mo na lamang na hindi sabihin ang mga ito upang maging simple nalang ang lahat. 

Bakit ka malungkot? Wala. Nararamdaman ko lang sya nang walang dahilan.

Monday, February 14, 2011

graveyard shift


bagay ba ang mga insominiac sa mga graveyard shift?
kasi naman, kung di lang naman sila makatulog ng maayos kapag gabi,
mas mabuti pang meron silang nagagawa na kapakipakinabang imbes na magpagulong-gulong sa kanilang higaan
-insomniac T__T